The United Architects of the Philippines (UAP) is the duly accredited IAPOA (Integrated and Accredited Professional Organization of Architects) by the PRC.
This presentation was prepared by the Commission on Professional Practice under Ar. Peach Buencamino, uap, so that UAP members will be enlightened on how UAP became the IAPOA, why dues are to be paid, why should one be a member of a UAP chapter and why the UAP membership certificate is being required by the PRC in the renewal of PRC IDs.
Read more HERE.
Ito po ay isang magandang hakbang o inisyatibo na ginawa nang UAP.(united architects of the Philippines) Ang mabigyang linaw ang matagal nang isyu sa samahan ng arkitekto. Ngunit ang linaw na nais makamit nang presentasyong ito ay nagdulot sa akin nang konting kalabuan.
ReplyDeleteDahil dyan, nais kong magtanong at magbigay nang sariling opinyon sa ilang bagay na nakasaad sa presentasyon. Kung nanaiisin ng mga kinauukulan na magbigay kasagutan sa mga tanong, ito’y higit na makakapagbigay tulong sa akin.
1. (Slide no.7) “that the three organizations shall continue to function until such time that all legal requirements shall have been met and resolved by all parties concerned not later than June 31, 1974.”
- Kung maluwalhating nakamit ang pagsasama ng tatlong samahan (LPA, PIA, at APGA), at nabuo ang UAP bilang ganap na organisasyon nang mga arkitekto sa bansa, bakit patuloy ang samahan ng PIA?
- Ang PIA ba ay lumalabas na isang chapter o organizational unit lamang ng UAP?
2. (Slide no.12) “Uap was accredited by the Professional Regulation Commission (PRC) thru the Professional regulatory Board of Architecture (PRBoA) as the Integrated and Accredited Professional Organizaiton of Architects in reference to Section 40 of RA 9266.”
- Noong ginawa ang RA 9266, ito ba ay napag-aralan, napaliwanag mabuti ang mga probisyon, nagkaroon ng pampublikong pandinig upang isangguni sa lahat ng arkitekto, miyembro man o hindi nang UAP bago maipasa sa Kongreso?
- Sa aking palagay, hindi sapat ang iilan katauhan/personalidad para suportahan at desisyunan ang nasabing batas republika hangga’t walang pagsangguning natupad.
3. “Membership in the integrated and accredited professional organization of architects shall not be a bar to membership in other associations of architects.”
- Ang ibig bang sabihin nito ay walang bisa ang pagiisa nang tatlong samahan ng arkitekto na nasasaad sa slide blg. 7?
- Ilan ba ang samahan nang mga arkitekto meron sa Pilipinas ngayon? Anu- ano ang mga ito?
4. “An architect duly registered with the Board shall automatically become a member of the integrated and accredited professional organization of architects….”
- Makatwiran ba ang agarang pagiging miyembro at pagbigay nang kaukulang pagbayad sa isang samahan na hindi mo pa nakikilatis ang hangarin at layunin?
- Hindi ba ito uri nang pagdikta?
- Paano kung ayaw nang isang lisensyadong arkitekto sumali sa UAP? Ibig bang sabihin nito ay hindi na siya maaring magpatuloy sa pagiging arkitekto niya?
5. (Slide no.21) “the professional regulation commission thru the professional regulatory board of Architecture required registered and licensed architects to submit their valid certificates of UAP membership and official payment receipts for annual/lifetime membership dues as a prerequisite for issuance of certificates of registration and professional identification cards as architect or for renewal of the foregoing cards.”
- Ano ba ang tunay na hangarin nang batas na ito? Pagtipon lamang ba ng pondo?
Ang nais lamang ng mga katanungang ito ay maitama ang mga kalituhan, at lumabas ang tunay na diwa ng batas.
“Useless laws weaken necessary laws.”
Montequieu, The Spirit of Laws
Dale Apura
5 mayo 2015